Hindi na makita sa IG Story ni Markus Paterson ang pinost na litrato ng isang babae na nakahiga at ulo ng isang baby. Mabilis na dinelete ni Markus ang kanyang post sa Instagram, kaya lang, may nakapag-screenshot at ni-repost.

markus

May mga nagpalagay na si Janella Salvador at baby nila ang nasa litrato ng post ni Markus. Nasulat na kasi na

October manganganak si Janella sa diumano’y anak nila ni Markus. Baka nga tama ang akala ng netizens.

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

Baka raw sa sobrang tuwa ni Markus, na-i-post ang photos ng kanyang mag-ina, kaya lang, napayuhan yata na i-delete ang mga litrato na ginawa naman niya.

Hintayin na nga lang nating lahat sakaling may i-a-announce sina Markus at Janella. Bigyan natin sila ng space at ‘wag apurahin.

-NITZ MIRALLES