NAKATAKDANG idaos sa Oktubre 29, 2020 simula ika- 8 hanggang 11 ng umaga ang kaunaunahan sa Pilipinas maging sa buong Asia ang ONLINE WAI KRU COMPETITION na itinataguyod ng International Amateur Muay Thai Fed - Philippines at ng Kickboxing Association ff the Philippines sa pakipagtulungan ng International Muay Thai Fed at AITMA ng Ayutthaya Thailand.
Ang torneo ay inorganisa at tinustusan nina Rolando " Rolly " R. Catoy at Anecito "Cito" Gesta, presidente at vice president ng nasabing grupo ayon sa pagkakasunod.
Panauhing pandangal sina Dr. Channarong Suhongsa, pangulo ng IMTF at AITMA, Dr. Amnart Saichalard, Ph.D ng Thailand Ministry of Education na parehong Muay Thai Grandmasters at Muay Thai at Karate Coach Efren G. Barros.
Ang Wai Kru ay isang rituwal na ginagawa ng 2 Muay Thai fighters bago maglaban. Ito ay pagpapakita ng pagpapasalamat, respeto at pagmamahal sa magulang mahal sa buhay, mga muay thai master ngayon at sa mga namatay na at higit sa lahat sa Diyos. Marapat na ka Mongkol o sacred head band at prajeat o armband. Ang Wai Kru day ay ipinagdiriwang sa buong mundo tuwing Marso 17 ng taon.
Dahil sa Covid -19 pandemic at bawal pa ang contact sports at social gathering ay napagplanuhan ni Gm Rolly Catoy at Gm Cito Gesta ang Online Wai Kru kung saan ang bawat contestant ay magawa ang Wai Kru maaring sa kanyang bahay, sa gym o sa park kung saan maaari siyang makagalaw ng maayos habang kinukunan ng video ang kanyang Wai Kru.
Ang torneo ay lalahukan ng mga Muay Thai practitioners muĺa sa regions 3, 4A, 7, 8, 9, 11. Bukod sa mga medalya ay mayroon din cash prize sa mga mananalo.
Maraming salamat sa mga regional director na sina Kru Dondon Gesta, Sha Florece, Froilan Gesta, Jover Gonzaga, Melvin Ordona.