MULA sa pagiging combat sports enthusiat kung saan kasalukuyan niyang pinamumunuan ang Philippine Eskrima Khali Arnis Federation (PEKAF), isa ring ganap na plantito si Sen. Miguel Zubiri.
At ang paghahalaman (horticulture) ay hindi lamang isang libangan bagkus magagamit ding alternatibo bukod sa online delivery, bilang kabuhayan ng Pinoy sa lockdown bunsod ng COVID-19 pandemic.
Naging usapin ang paghahalaman bilang bahagi ng pampalipas oras ng ating mga kababayan anuman ang katayuan sa buhay, ngunit nagkakaisa sa tawag na “plantitos at plantitas.”
Kabilang sa bagong henerasyon na nauugnay sa paghahalaman si Migz, masasabing survivor matapos dapuan ng naturang virus. Bilang laki sa lalawigan ng Bukidnon, hindi estranghero sa agrikultura si ‘Migz’ na kalaunan ay kumuha ng kursong Agribusiness sa University of the Philippines - Los Baños.

Sa kasalukuyan, higit at tigil ang lahat ng sports activities, nakatuon ang si Zubiri sa paghahalaman at ikinatuwa nia na maging sa Metro Manila ay tumaas ang bilang ng maghahalaman o humahataw sa urban gardening.
“I think it’s great! It’s exciting to see so many people giving it a try, whether that means finally tending to their neglected garden or getting a small potted plant to start with. But I have to say, I hope that it becomes a permanent passion and not just a trend to be abandoned after a few months, because in all honesty, while plants make for great Instagram photos, they also take a lot of time and effort. But they are so worth it,” pahayag ni Zubiri, isa sa pinakamatagumpay na sports leader matapos pamunuan ang arnis sa siyam na gintong medalya sa nakalipas na Southeast Asian Games (SEAG) kung saan nakamit ng bansa ang overall championship.
Bukod kay Zubiri, ilang sports personalities at celebrities ang nakatuon sa paghahalaman, higit at natigil ang sports dahil sa Covid-19, tula dnina volleyball star Allyssa Valdez at maybahay ni eight-division champion Manny Pacquiao na si Jinkee, gayundin ang marathon queen at SEA Games champion na si Christine Hallasgo.
Hinikayat niya ang mga kababayan na sumubok sa paghahalaman upang mabigyan ng katiwasayan ang sarili sa gitna nang mga suliranin dulot ng pandemya, higit ang mabigyan nang dagdag na option ang pamilya para sa bagong pagkakakitaan, gayung marami ang natigil sa kanilang regular na hanap-buhay.
“We’re all seeing how the trend has already boosted the businesses of our local growers and sellers. What we need to do now is to try to sustain this beyond being a trend, so we can build long-term support for our plant and agri-businesses, especially those in the MSME sector. And a strong MSME sector translates to a strong national economy, since MSMEs make up 99 percent of our registered businesses,” pahayag ni Zubiri.
Sundan ang mga usapin sa plantito adventure ni Sen. Zubiri sa @migzzubiri sa Facebook, Instagram, at Twitter.