TULAD sa larong basketball kung saan premyadong koponan ang Meralco, fastbreak sa bilis ang kilos sa pagkukumpuni at pagsasaayos ng linya para magarantiyahan ang ligtas at pagkakaroon ng sapat na suplay ng kuryente sa bagong COVID-19 facilities sa Marikina City.

AGARAN ang pagsasa-ayos sa linya ng kuryente para sa power supply ng COVID-19 facilities

AGARAN ang pagsasaayos sa linya ng kuryente para sa power supply ng COVID-19 facilities.

Napailawan ng Meralco ang dalawang bagong quarantine at treatment centers ng Marikina City para tulungan ang naturang lungsod sa kanilang walang humpay na laban sa mapaminsalang COVID-19 virus.

Nagkabit ng mga bagong  metering facilities, kabuuang 40 metro ng secondary service wires, at apat na distribution transformers upang mapailawan ang mga quarantine at treatment facilities ng Marikina Disaster Risk Reduction Management Office, gayundin ang Department of Public Works and Highways (DPWH) - funded na isolation facility.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dahil sa pagkumpleto ng mga priority projects na ito, makasisiguro ang mga frontliners, pasyente, at medical staff ng mga bagong facilities para sa walang humpay na serbisyo kuryente at hindi kailangan pang mag-overtime.