PINOST ni Sharon Cuneta ang video niya habang nasa treadmill at kita ang pagod at pinagpapawisan pa. Ang caption nito, “Treadmilling, finally! Kainiiiis!!!”Nabanggit din nito na this is the first time she’s doing the treadmill after a long time and big part of her, she does not like.

sharon

Nabanggit din ni Sharon ang mga rason kung bakit binalikan niya ang treadmill at una sa mga rason ang health reason. “Number two, I want to look good in my clothes. Because I ordered clothes from abroad and they haven’t arrive yet. I order small sizes. If my clothes don’t push me to fit into them, I don’t know... because medyo hindi masyadong mura.”

Nakakatuwa ang comments ng showbiz friends ni Sharon sa kanyang ‘treadmill” video dahil tsini-cheer at pinu-push siya. Sabi ni Judy Ann Santos, “Go ateeeee!” na sinundan ni Ryan Agoncillo ng “Paano po ba yung mukha pa din ambango bango?” Sabi ni Louie Heredia, “Good, Shawie! Kayang-kaya! at si Gladys Reyes, “Galing Ninang ok yan, go go go!!”

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

May payo naman ang ilang netizens na dapat, hindi naglalakad sa treadmill si Sharon, mas maganda raw ang tumatakbo na sinagot ni Sharon ng “payo ng kanyang doctor for her to “walk slow then do brisk walking pag sanay na uli. I have a torn ligament in my right knee and a pinched nerve on my lower back so super achievement na sakin tumagal ng ganyan for a first-timer-in-a-long-time.”

May nag-comment naman na kung hindi magkasya kay Sharon ang mga in-order na damit from abroad, ang mga anak na sina KC Concepcion at Frankie Pangilinan na lang ang magsusuot.

-NITZ MIRALLES