CEBU CITY – Posibleng pinatay muna ng isang opisyal ng pulisya ang pinaghihinalaang lover nito bago umano ito nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang sarili sa loob ng presinto sa Talisay City, Cebu, kahapon ng umaga.

Sa imbestigasyon ng pulisya, natagpuan ang bangkay ni Lt. Praxilo Albiso at 31-anyos na si Vernice Cardino sa ground floor ng Police Community Precinct sa Barangay Bulacao, dakong 10:00 ng umaga.

Sinabi ng pulisya na si Albiso, tinatayang lagpas 40-anyos, ay deputy station commander ng Talisay City Police Station.

Ayon sa imbestigador, ang dalawa ay nasa loob lamang ng presinto bago marinig ang apat na putok ng baril. May teorya rin ang pulisya na binaril muna ni Albiso si Cardino ng tatlong beses bago nito binaril ang kanyang ulo.

Probinsya

Mag-anak na sakay ng motorsiklo, todas matapos salpukin ng rumaragasang van

Tinangka pa rin silang isugod sa pagamutan gayunman, binawian na sila ng buhay.

Naiulat na ang nasabing babae na misis ng isang seaman na taga-Toledo City, Cebu, na humingi ng tulong sa isang programa sa telebisyon noong nakaraang Pebrero dahil umano sa pagkakaroon nito ng relasyon sa nasabing opisyal ng pulisya

Sa nasabing programa, inirereklamo ng lalaki na buntis ang kanyang asawa gayunman, hindi ito sigurado kung siya ang ama nito.

-CALVIN D. CORDOVA