THIS Wednesday ang nabanggit ni Kris Aquino na pagbabalik niya sa telebisyon at may mga clue siya kung saan at kung sino o ano ang gumawa ng paraan para siya’y makabalik sa una raw niyang minahal.

kris

“Our new journey begins this Wednesday, October 21, dahil babalikan ko na ang aking una at huling minahal.

***Clarification: 10/21 you’ll get to watch me doing something that is “iconic” to my film career and for many of you, it’s a part of your childhood & teen memories... FOREVER, well that’s something worth waiting for, i’ve waited and i hope so will you.”

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

Sa nag-comment na sana sa tv ang kanyang pagbabalik, “yes” ang sagot ni Kris at may pinasalamatan na itinago sa heart emojis.

Sa isa pang nag-comment ng “To watch is to believe” ang sagot ni Kris, “Actually that’s also been what i’ve been thinking, to hold the microphone & see the red light on the camera is when i’ll believe it’s really happening... handa naman ako na until on air na, pwede pa rin namang hindi ito matuloy... peo ginawa na nila ang lahat para mapaligaya ang matagal nagtiyaga at naghintay- sa effort nila saludo ako.”

Sa sagot ni Kris sa nagtanong kung ano ang ibig sabihin nang pinost niyang orange heart emojis, malalaman ang clue kung saan at kung sino ang dahilan kung bakit makababalik siya sa telebisyon.

“The 6 heart (emojis) refers to a brand, BUT because of them makakabalik ako kung saan ako unang nabigyan ng pagkakataon na lumabas (TV emoji), bago pa man naging presidente ang mommy ko. Ayokong sirain ang surprise pero sobra sobra ang utang na loob ko sa S (heart emojis uli) e, kasi maraming bahagi ng nakaraan ko na nagpasaya sa ating lahat, binuhay nila- sa October 21 mas maiintindihan nyo ang sinusubukan kong i-explain.”

Tingnan natin kung tama ang hula ng marami na ang “S” na binabanggit ni Kris na rason para makabalik siya sa telebisyon ay Shopee na ibig sabihin, endorser na siya nito. Sa GMA-7 siya mapapanood at ang sinabing unang nagbigay sa kanya ng pagkakataon para mapanood sa telebisyon.

Sabi ni Kris, last Tuesday pa lang, malalaman na ang tinutukoy niya sa kanyang post, kaya malalaman kung tama ang mga nag-comment at humulang sa GMA-7 nga ang comeback niya.

-Nitz Miralles