MAY bagong collaboration sina Powerhouse diva Katrina Velarde at R&B crooner Daryl Ong sa isang jazz inspired version ng Love Me Now ni John Legend. Naging online sensation si Katrina by impersonating foreign singers. Napabilib niya si Regine Velazquez sa kanyang inimmitable style sa pagkanta. Si Daryl ay produkto ng The Voice PH (season 2) at nagpasikat sa mga awiting Ikaw Na Nga at Nais Kong Malaman Mo.

daryl at katrina

Twenty years old na ang monster hit Larawang Kupas 2020 na sinulat ng yumaong Snaffu Rigor. It has been re-mastered at binibigyan ng new lease of life ni Jerome Abalos at bandang Solabros.com. Halos faithful sa original ang version na hinaluan ng a bit of ‘rock opera’.

Nakakabigla ang homegrown performance ng rapper mula sa Iloilo City na si Renzo Ian (Yousef) M Cancer a.k.a Alphabadboi na Fucked The Police. Maliwanag ang mensaheng - the message of liberation and reconstructing ang pananaw natin tungkol sa realidad ng buhay.

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

Walang dudang ang Fucked The Police is an ode to the Black Lives Matter movement at ang mga protestang nagaganap sa USA. Debut single ito ni Renzo at produced ng Blacksheep Records.

-REMY UMEREZ