NANIBAGO si Kapuso Drama Actor Dennis Trillo, sa role na ibinigay sa kanya para sa fourth episode ng drama anthology na I Can See You: Truly. Madly. Deadly, bilang si Drew.

jennylyn at dennis

“Inamin naming tatlo nina Jennylyn (Mercado) at Rhian (Ramos) na na-challenge kami sa roles na ibinigay nila sa amin,” kuwento ni Dennis sa interview sa kanila. “Hindi kasi ito yung pangkaraniwang role ng magka-love team na may ordinary love story. Dito sa story namin, mas ipinakita ‘yung human side ng bawat character.

“Hindi ko nga masasabi na grey, e. Gusto kong sabihin na mas human ‘yung character kasi hindi naman siya mabait. Wala naman talagang tao purong mabait, wala namang purong masama.”

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

Kahit nga comments ng mga netizens, nang mapanood nila ang first day ng showing last Monday, October 19, medyo shocked sila sa mga eksenang ginawa nina Dennis at Jen (Coleen), lalo na ang eksenang ginawa nina Jen at Rhian (Abby). Sabi nga ng iba, excited silang panoorin gabi-gabi ang story na magtatapos sa Friday, October 23, sa GMA Telebabad, 9:15PM pagkatapos ng Encantadia sa GMA-7.

-Nora V. Calderon