HINDI nakaiwas ang dating Kapamilya actress na si Maja Salvador sa masasamang komento ng mga netizens na tila kumukuwestiyon sa ‘utang na loob’ nito sa ABS-CBN matapos nitong iwan ang programang ASAP Natin ‘To at piniling lumabas sa kabilang istasyon.

maja

Nitong Sunday kasi nagsimula na ang bagong programa ng TV5 ang Sunday Noontime Live (SNL) kung saan bahagi ng show si Maja kasama sina Piolo Pascual, Donny Pangilinan, Jake Ejercito, at Catriona Gray. Ang palabas, na produce ng Brightlight Productions ni dating Congressman Albee Benitez ay katapat mismo ng ASAP Natin ‘To.

Bago ang pilot show ng SNL syempre, nag-promote ang aktres sa kanyang followers para panoorin ang kanilang show. “Sunday Noontime Live! October 18, 2020,Sunday 12nn,Directed by Johnny Manahan.

Relasyon at Hiwalayan

Rayver Cruz, todo-bigay kapag nagmahal

May mga nakalusot pa ring negative comments na hindi na sinagot ng aktres.

To the rescue rin ang boyfriend ni Maja na si Rambo Nunez, na may encouraging message para sa GF.

“I’m very very proud of you!

“People wouldn’t know how you ended up in your situation but all i can say is that you’re blessed with a very good heart. “All of us who love you are right behind you all the way”

-Ador V. Saluta