LABIS ang pasasalamat ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa pagtanggap niya ng dalawang top awards mula sa 51st Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundations (GMMSF) last Sunday, October 18, na isang virtual awards night at napanood sa TV5 at 9:05 PM to 11:05PM. Ginanap ito sa Fernwood Gardens in Quezon City, hosted by Robi Domingo and Bianca Gonzales.

alden

Dapat ay noon pang March 15 ginanap ang live awards night sa Resorts World Manila, pero hindi natuloy dahil nang araw na iyon nagsimula ang ECQ lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

Tinanggap ni Alden ang dalawang top awards, ang Phenomenal Star of Philippine Cinema, dahil sa pelikula nila ni Kathryn Bernardo, ang Hello Love Goodbye na nagkaroon ng almost one billion pesos na total gross here and abroad. Tinanggap din ni Alden ang Film Actor of the Year, dahil sa mahusay na pagganap niya sa movie.

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

Kaya sa kanyang thank you speech, pinasalamatan ni Alden ang director nilang si Cathy Garcia-Molina dahil sa buong shooting nila ng movie sa HongKong, hindi siya pinabayaang gabayan sa bawat eksena. Hindi raw niya magagampanan nang maayos ang kanyang role, kung hindi siya tinulungan ng kanilang director.

“Kaya dedicated ko po ang trophies na ito kay Direk Cathy, sa leading lady kong si Kathryn Bernardo, sa scriptwriter namin, si Carmi Raymundo, dahil sa magandang story, sa GMA Network na pinayagan nila akong magtrabaho sa ibang network, sa lahat po ng mga fans na sumuporta sa amin, sa aking pamilya at mga mahal sa buhay.”

Sa mga gustong mapanood ang awards night, nasa YouTube ito, 51st GMMASF Box Office Entertainment Awards (October 18, 2020).

-NORA V. CALDERON