NASA kabuuang 184 na bansa at ekonomiya ang nakiisa na sa COVAX, isang pandaigdigang inisyatibo na pinangungunahan ng World Health Organization (WHO) at mga katuwang upang masiguro ang epektibo at patas na access sa COVID-19 vaccines, inanunsiyo ng WHO chief nitong Lunes.

“COVAX represents the largest portfolio of potential Covid-19 vaccines and the most effective way to share safe and effective vaccines equitably across the world,” pahayag ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus sa isang virtual press conference.

“Equitably sharing vaccines is the fastest way to safeguard high-risk communities, stabilize health systems and drive a truly global economic recovery,” dagdag pa niya.

Bilang isa sa nangungunang bansa sa pagdi-develop ng bakuna, opisyal na nakiisa ang China sa COVAX, isang aksiyon na inilarawan ng isang Chinese Foreign Ministry spokesperson bilang mahalagang hakbang upang mapanatili ang konsepto ng ‘shared community’ sa kalusugan para sa lahat at kilalanin ang pangako nito na ilaan ang COVID-19 vaccine bilang global public good.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa virtual press conference nitong Lunes, nabanggit din ni Tedros ang “worrying phase” na pinasok ng COVID-19 pandemic.

Sa pagdating ng winter sa northern hemisphere at mabilis na pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19, nagbabala si Tedros na magiging mahirap ang susunod na mga buwan, particular sa Europe ar North America.

“So it’s important that all governments focus on the fundamentals that help to break the chains of transmission and save both lives and livelihoods,” paliwanag ni Tedros.

Habang patuloy na naghihirap ang mundo upang mapigilan ang patuloy na pananalasa ng pandemya, nagkukumahog din ang mga bansa na makahanap ng bakuna laban sa virus. Ayon sa website ng WHO, hanggang nitong Oktubre 19, may 198 na kandidato sa COVID-19 vaccine na kasalukuyang dine-develop sa mundo, at 44 sa mga ito ang nasa clinical trials na.