DAVAO CITY – Labing-isang pulis at walong preso sa nasabing lungsod ang nahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon kay Sta. Ana Police Station officer-in-charge Maj. Carol Jabagat.

Aniya, bukod pa sa nasabing bilang ang isang sibilyan at dalawang auxiliary sa nasabing lugar.

Dahil dito, inihiwalay na aniya nila ng lugar ang nasabing mga pulis upang hindi na mahawa ang iba pang pulis sa lungsod.

“We do isolation since we had police personnel positive [for coronavirus]. But rest assured that we still have hard working men to ensure the safety of our areas of responsibility,” ayon Jabagat.

Probinsya

Kapilya ng INC sa Quezon, pinasabugan ng bomba; suspek, gumagamit umano ng iligal na droga

Ivy Tejano