AngVicor Music ay nakilala sa pagtataguyod ng original Pinoy music (OPM). Sa loob ng maraming taon ay naging tahanan ito ng mga sikat na singers tulad nina Basil Valdez, Pilita Corrales, Anthony Castelo, Rico J. Puno, Rey Valera, Side A, Martin Nievera at iba pa.
Sa pagbabalik ni Martin at pagpirma sa Vicor ay planong muling buhayin ang music label na itinatag fifty years ago ng magpinsang Vic del Rosario at Orly Ilacad. Ayon kay del Rosario ay simula ito ng magagandang plano kaugnay sa hinaharap ng OPM. May demo songs ng nagawa si Vehnee Saturno (composer ng Be My Lady) para mapagpilian ni Martin. Another plan ay magsaplaka ng awiting pamasko. “He is an iconic OPM artist and we can all use the good vibes that his singing brings. Walang ibang singer that can spread the goodwill ng Original Pinoy Pop Music than Martin Nievera.” pahayag ni del Rosario
-REMY UMEREZ