ISABELA – Patay ang isang barangay chairman nang barilin ng isang hindi nakikilalang lalaki sa Echague sa nasabing lalawigan, nitong Sabado.
Dead on the spot ang biktimang kinilala ng pulisya na si Ricardo Mencias, kapitan ng Bgy. Camarao sa nasabing bayan, dahil sa tama ng bala sa ulo. Sa paunang report ng pulisya, ang insidente ay naganap sa Purok 1, Bgy. Pag-asa, Echague kung saan natagpuan ang bangkay ni Mencias sa loon ng Toyota Fortuner (ACL-4430), ayon kay Police Captain Frances Littaua, information officer ng Isabela Provincial Police. Ang bangkay ng biktima nay nadiskubre ng mga residente ilang minuto matapos ang pananambang.
Narekober ng pulisya isang basyo ng bala ng Cal.45 pistol sa crime scene.
Sinabi pa ng pulisya na nagsasagawa pa sila ng imbestigasyon sa kaso.
-LIEZLE BASA IÑIGO