NAKAHANAP ng paraan ang singer na si Ianna Dela Torre para mai-share ang blessings niya sa kanyang followers sa pamamagitan ng isang dance challenge para sa kanta niyang Pinapa.

Imbes kasi na magdaos ng enggrandeng selebrasyon para sa debut niya sana noong March kung kailan unang ipinatupad ang lockdown dahil sa COVID-19, ginawa na lang niya itong paraan para makapaghatid ng tulong at saya sa mga tao.

“’Yung manager ko na si Tito Joel saka ‘yung family ko, nag-decide na maglaan ng funds para matulungan ‘yung mga Kababayan natin ngayong pandemya. Gusto ko lang mag-share ng positivity at love gamit ‘yung kanta,” ani Ianna.

Ang “Pinapa” ang carrier single ni Ianna mula sa debut album niya na ini-release ngayong taon. Ang two-time Himig Handog finals placer na si David Dimaguila ang nagsulat ng kanta na tungkol sa millennial love-hate relationship.

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

“‘Yung meaning po ng ‘Pinapa’ sa song ay ‘pinapatawad,’ ‘pinapakilig,’ ‘pinapasaya.’ Ang tumatak po sa akin ‘yung ‘pinapatawad,’ kasi kahit marami pong nagagawang masama sa atin, magpatawad po tayo at mag-spread ng good vibes,” paliwanag ni Ianna.

Samantala, nalaman na ang mga nanalo para sa #PINAPADanceChallenge kung saan nasungkit ng Mastermind ang 1st place na may 284K YouTube at Facebook views, shares, at comments, sinundan naman sila ng 2nd placer na Sugar and Space na may 121K YT at FB views, shares, at comments, at ng 3rd placer na Kwader Knows na nakakuha ng 89K YT at FB views, shares, at comments. May 10 sumali rin ang nakatanggap ng consolation prizes, habang ang PHILXPOSE naman ang nanalo bilang “Most Creative Concept Dance Challenger.”

-MERCY LEJARDE