ANG mabilis na pag-unlad sa solusyong medical laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay maaaring makatulong upang mapabilis ang pagbangon ng mga bansa, na inaasahang makadaragdag ng halos USD9 trillion sa global income pagsapit ng 2025, pahayag ng IMF managing director.

Sa isang news conference matapos ang taunang pulong kasama ang World Bank kamakailan, sinabi ni Kristalina Georgieva na kinakailangan ngayon ang matatag na kooperasyon ng mga bansa sa mundo sa pagbuo ng bakuna at pamamahagi nito.

“Nine months into the pandemic, we are still struggling with the darkness of a crisis that has taken more than a million lives,” aniya.

Bagamat bahagyang luminaw na ang larawan sa mga nakalipas na buwan, patuloy na inaasahan ng IMF ang “worse global recession” mula noong Great Depression, paalala ni Georgieva.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“Growth is expected to fall 4.4 percent this year and over the next five years, the crisis could cost an estimated USD28 trillion in output losses,” aniya.

POLICY RECOMMENDATIONS

Ayon sa IMF, may tatlong prayoridad na kailangang isaisip ng mga policymakers ngayong panahon ng pandemya.

Bilang pagbibigay-diin sa esensiyal na panuntunan upang maprotektagan ang buhay at kailangang magpatuloy ang kabuhayan, sinabi ni Georgieva na, “A durable economic recovery is only possible if we beat the pandemic everywhere.”

Aniya, ang pagpapalakas ng vital health measures ay kasinghalaga ng fiscal at monetary support sa mga pamilya at negosyo.

“These lifelines, such as credit guarantees and wage subsidies, are likely to remain critical for some time,” dagdag pa niya.

Ikalawa, ipinunto ni Georgieva ang pangangailagan na makapagtayo ng “more resilient and inclusive economy” kasama ng public investment, partikular sa mga green projects at digital infrastructure, na maaaring makapagpabago ng malaki.

“It has the potential to create millions of new jobs while boosting productivity and incomes,” saad pa niya.

Ang pagtugon sa utang ang ikatlong prayoridad.

Inaasahang papalo sa record high na 100 porsiyento ng gross domestic product (GDP) ng 2021 ang global public debt.

“Addressing this issue over the medium term will be critical. But for many low-income countries, urgent action is required now,” aniya.

Dahil sa bigat na dalahin ng utang, naghihirap ang mga bansang ito na mapanatili ang

vital policy support, paliwanag pa ni Georgieva.

Umabot na sa higit USD280 billion ang lending commitments ng global financial body na malaking halaga kumpara sa naaprubahan mula noong Marso.

-Anadolu