MULA nang manalasa ang coronavirus pandemic direktang apektado ng krisis ang mga health workers, ngunit ayon sa World Health Organization kamakailan, sa wakas ay humupa na ang mataas na lebel ng impeksyon ng mga nakatuon sa kalusugan.

Bagamat sa kabuuan malaki ang epekto ng coronavirus crisis, base sa datos mula sa maraming bansa at rehiyon makikita na malaking bahagdan ng mga health workers ang apektado ng virus kumpara sa general population.

Kinakatawan ng mga health workers ang halos tatlong porsiyento ng populasyon sa maraming bansa, ngunit sumasakop ito ng halos 14 porsiyento ng kabuuang kaso ng COVID-19 na iniulat sa WHO, habang ilang bansa ang nagtala ng higit sangkatlo ng kanilang kaso.

Ngunit ngayon ayon sa UN health agency, lumalabas sa iniulat na datos ng 83 bansa, karamihan mula sa Europe at America, mapapansin na “there has been a substantial decline in (health worker) infection since the beginning of the epidemic.”

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang bahagi ng mga health workers na kabilang sa mga bagong apektado “is decreasing steadily,” pahayag ni Anne Perrocheau, WHO epidemiologist, sa isang virtual press briefing, na idinagdag na ang kanilang proporsyon ngayon ay malapit na sa bahagi kabuuang populasyon.

Ilang salik na nag-ambag sa mataas na kaso ng mga nahahawaang health workers ay ang kakulangan sa umpisa ng pandemya ng personal protective equipment (PPE), at kulang na pagsasanay kung paano ito gamitin.

Ibinahagi ni Benedetta Allegranzi, ng technical lead sa WHO’s infection prevention and control taskforce, na ang pagbaba ng kaso sa mga health workers ay maikokonekta sa pagtaas ng bilang ng personal protective gear na available.

Maaari rin, aniya, nakatulong ang mas maayos na pag-unawa at interes sa prevention measures tulad ng “continuously wearing a medical mask or a respirator depending on the situation, frequently performing hand hygiene, keeping physical distance as much as possible.”

Halos 1.1 milyong tao na ang namatay dahil sa new coronavirus mula sa halos 38 milyong naitalang kaso ng impeksyon mula nang una itong umusbong sa China noong huling bahagi ng nakaraang taon.

Patuloy na nagdurusa ang mga pamahalaan na mapigilan ang higit pang pagtaas ng impeksyon habang pumapasok ang pandemya sa ikalawang bugso nito.

Ayon kay Perrocheau bagamat may malaking barasyon sa iba’t ibang bansa, malinaw na makikita ang pagbaba kahit sa mga bansa na patuloy pa ring tumataas ang kaso.