PARIS (AFP) — Isang gurong French na kamakailan lamang ay ipinakita sa mga estudyante ang mga cartoon ng Propeta Mohammed ang pinugutan ng ulo sa labas ng kanyang paaralan nitong Biyernes, sa tinawag ni President Emmanuel Macron na isang “Islamist terrorist attack”.

Ang salarin, na hindi pa nakikilala, ay pinagbabaril ng mga pulis habang tinatangka nilang arestuhin siya at kalaunan ay namatay sa kanyang mga pinsala, sinabi ng pulisya.

Ang sumalakay ay sumigaw ng “Allahu Akbar” (“Ang Diyos ang pinakadakila”) nang makaharap ang mga pulisy, isang sigaw na madalas na marinig sa mga pag-atake ng jihadist, sinabi ng isang source ng pulisya.

Nasaksihan ng France ang isang bugso ng karahasan ng Islamist mula pa noong 2015 terror attack sa satirical magazine na Charlie Hebdo at isang Japanese supermarket sa kabisera.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Sinabi ng French anti-terror prosecutors na tinatrato nila ang pag-atake bilang isang “murder linked to a terrorist organisation”.

Nangyari pag-atake sa labas ng Paris bandang 5:00 ng hapon (1500 GMT) malapit sa middle school kung saan nagtatrabaho ang guro sa Conflans Saint-Honorine, isang suburb sa hilagang-kanluran na may 30 kilometro (20 milya) mula sa sentro ng kabisera ng France.

Taglay ng pagpatay ang mga palatandaan ng isang “Islamist terrorist attack”, sinabi ni Macron habang binisita niya ang eksena.

Halatang apektado, sinabi ng pangulo na ang buong bansa ay handang ipagtanggol ang mga guro at “obscurantism will not win”.

Apat na tao, kabilang ang isang menor de edad, ang inaresto, sinabi ng isang judicial source sa AFP nitong Sabado. Lahat ay nauugnay sa nag-atake.

Ang biktima ay isang history teacher na kamakailan lamang ay nagpakita ng mga cartoons ng Propeta Mohammed bilang bahagi ng talakayan sa klase tungkol sa kalayaan sa pagpapahayag, sinabi ng pulisya.

Ayon sa isang judicial source, isang identity card na natagpuan sa salarin ay nagsabing siya ay ipinanganak sa Moscow noong 2002, bagaman ang mga investigator ay naghihintay para sa pormal na pagkakakilanlan.

Sinabi ng pulisya na iniimbestigahan nila ang isang tweet na nai-post mula sa isang account na nagpakita ng larawan ng ulo ng guro, ngunit isinara na.