BEIJING (AFP) — Umarangkada ang pagbangon sa ekonomiya ng China sa third quarter, ayon isang AFP poll of analysts, at ang paggastos ng mga mamimili ay unti-unting sumisigla habang nabawasan ang mga takot sa coronavirus, na tumutulong sa isang mas malawak na rebound na pinasigla ng pamumuhunan at exports.
Ang paglago sa Hulyo-Setyembre ay inaasahang papasok sa 5.2 porsyento kapag ang opisyal na data ay inilabas sa Lunes, na dadalhin ang pangalawang pinakamalaking ekonomiya sa mundo palapit sa 6.1 porsyento na annual expansion noong nakaraang taon, kahit na ang mga bansa sa buong mundo ay nahihirapang mapigil ang nakamamatay na pandemya.
Ngayon na halos kontrolado na ang virus sa China, ang karamihan sa mga panukalang social distancing ay tinanggal - at ang mga mamimili ay bumabalik na sa mga restawran at mall, sumakay sa mga flight at tren para sa mga piyesta opisyal at pinupuno ang mga tourist districts.
AFP’s survey, involving analysts from 13 institutions, also forecast full-year growth of 2.3 percent, slightly above the International Monetary Fund’s forecast, which tagged China as the only major economy likely to expand this year.
Ang survey ng AFP, na kinasasangkutan ng mga analyts mula sa 13 institusyon, ay nag-forecast din ng buong taong paglago ng 2.3 porsyento, na medyo mataas sa tinataya ng International Monetary Fund, na itinuro ang China bilang nag-iisang pangunahing ekonomiya na malamang na lumago ngayong taon.
“China’s stimulus has differed from that of much of the region with its focus on the industrial sector and construction, rather than for small and medium-sized enterprises or direct payments to the unemployed,” sanabi ni Moody’s Analytics economist Xu Xiaochun.
“Thus, China’s rapid recovery is led by goods-producing industries and export shipments.”