KUNG si Miss Universe 2018 Catriona Gray ang tatanungin, nais niyang ipagpaliban muna ang 2020 Miss Universe beauty pageant ngayong taon upang masiguro ang kaligtasan ng mga kandidata.
Ngunit, aniya nakasalalay pa rin naman sa Miss Universe Organization ang desisyon sa bagay na ito.
“Honestly it’s up to the organizers. If it can be done in a safe way, you know a lot of franchises are holding their pageants online but also a large aspect of what makes a pageant a pageant is the support of the people and I think it’s gonna be different if you take out that aspect so I don’t see anything wrong with pushing it back just to ensure the safety protocols are the top priority. and it cannot be a single one representing their provinces and their countries in mediums through social media which is accessible to us all his time,” pagbabahagi ni Cat sa isang exclusive online interview para sa kanyang bagong TV5 show na Sunday Noontime Live.
Sa ngayon hindi pa naglalabas ng anumang pahayag ang mga organizers kung matutuloy ngayong taon ang kompetisyon.
Una nang umatras sa pagdaraos ng pageant ang Miss World at Miss International at piniling ilipat na lamang ito sa 2021 dahil pa rin sa health crisis. Tanging ang Miss Earth 2020 pageant ang nagdaos ng online contest.
Mula sa direksyon ni Johnny Manahan, ang Sunday noontime musical variety show ay iho-host ni Piolo Pascual, kasama sina Maja Salvador, Donny Pangilinan, at Jake Ejercito.
Nakatakdang magsimula ang Sunday Noontime Live sa October 18 mula 12 noon-2 p.m.
Samantala, ibinahagi rin ni Catriona na ipinagpaliban muna niya ang pagsusulat ng kanyang unang libro dahil sa serye ng mga nagaganap sa paligid.
“I’ve postponed the release because ang daming pinagdaan this year for all of us I think. And there were lots of things I needed to overcome. And a lot of things that I learned. So gusto kong ilagay yan sa book ko. So keep an eye for it. So baka next year,” paliwanag ng Filipino-Australian beauty queen.
-ROBERT REQUINTINA