Iilan na lamang ang artistang kasabayan ni Ian Veneracion na leading role ang ginagampanan. Others would have settled as supporting or contravida. Para kay Ian there is no such thing as small role. Higit pa sa tatlong dekada ang inilagi ni Ian sapul ng gumanap na anak ni Joey sa Joey and Son noong 1982.
Hindi problema kay Ian ang gumanap bilang ama ng tatlong grown up children sa bagong sitcom ng TV5 na Oh My Dad, a father in real life madali siyang naka-relate sa role.
Sina Louise Abuel, Sue Ramirez at Macoy Dubs ang mga anak ni Ian sa sitcom.
Dating sikat na basketball player na nanirahan ng matagal sa America. Nang bumalik sa Pilipinas ay natuklasang may mga anak siya sa iba’t ibang babae.
Family values at acceptance ang mensahe ng sitcom. Happy kami sa pagbabalik ni Jeffrey Jeturian bilang direktor ng sitcom.
-REMY UMEREZ