Naibalik na ang serbisyo sa Twitter nitong Huwebes ng gabi pagkatapos ng isang problemang technical na sanhi ng global outage ng halos dalawang oras sa social media platform na ginagamit ng daan-daang milyun-milyon sa buong mundo.
“Twitter has been down for many of you and we’re working to get it back up and running for everyone,” tweet ng California-based company.
“We had some trouble with our internal systems and don’t have any evidence of a security breach or hack.”
Dakong 2340 GMT, nagagawa pa rin ang ilang functions, tulad ng retweeting ng isang post, ngunit maraming mga gumagamit ang hindi pa rin makapagpadala ng bagong tweet.
“Something went wrong, but don’t fret -- let’s give it another shot,” sinasabi sa error message.
Ayon sa downdetector.com, ang mga gumagamit sa bawat kontinente ay nag-ulat na hindi magagamit ang platform, ngunit ang outages ay nakatuon sa silangan at kanluran ng United States, pati na rin ang Japan.
Ang outage ay tila nagsimula dakong 2130 GMT.
“We are continuing to monitor as our teams investigate. More updates to come,” sinabi ng application programming interface site ng Twitter.