Nasa IG Story ni Sanya Lopez ang post ni Gabby Concepcion sa IG Story naman ng aktor na “At last, may Yaya na ako. Taping soon. First Yaya with Sanya Lopez.”
Nasa IG Story ni Sanya Lopez ang post ni Gabby Concepcion sa IG Story naman ng aktor na “At last, may Yaya na ako. Taping soon. First Yaya with Sanya Lopez.”
Nagpasalamat si Sanya at ang kanyang fans sa gesture ni Gabby na tinanggap ang aktres bilang leading lady sa bagong teleserye na dapat sana ay si Marian Rivera ang kanyang kapareha.
Next month na nga ang taping ng First Yaya na narinig namin kay Cassy Legaspi, na gaganap bilang panganay na anak ni Gabby. Matutuwa rin si Sanya dahil looking forward din si Cassy to work with her.
Sabi ni Sanya, “First time ko po na magkakaroon ng show sa primetime na ako ang title role, kaya sobra po akong nagpapasalamat sa GMAat sa fans na laging nakasuporta. Kabado po na excited kasi alam ko malaki ang ine-expect ninyo sa akin bilang inyong Firyst Yaya.”
Dahil sa First Yaya, inalis si Sanya sa Lolong na pagtatambalan sana nila ni Ruru Madrid at pinalitan siya ni Shaira Diaz. Pero, tuloy pa rin si Sanya sa Agimat ng Agila nila ni Sen. Bong Revilla, aayusin ang taping schedule para hindi magkaroon ng conflict. Biro ng fans kay Sanya, with her two projects sa GMA-7, may magagastos na siya sa furnishings ng kanyang bagong bahay.
Nitz Miralles