Mapanood na ang digital series na The House Arrest of Us ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, simula Oktubre 24.
Ayon kay Kathryn, kakaibang karanasan ang pinagdaanan ni Daniel habang nagso-shooting dahil sa kasalukuyang pandemya.
“Ithink it’s very different work-wise sa nakasanayan namin on how we do shooting, kung paano kami sa set. Lahat yun iba,” bungad ng aktres.
“But most especially iba kasi first time namin gumawa ng ganito ka-light ni DJ. Minsan feeling ko masyado bang seryoso yung ginagawa ko sa taping, yung ganyan. Kasi parang ibang genre ito sa amin.
“Far from the movies and teleseryes we’ve done. so dun kami medyo nanibago and also kung paano sa set like yung tao limited. Tulong tulong talaga lahat kasi kung naka-lock-in kami ng ilang weeks dun and hindi lahat ng usual na tao na nakakasama namin sa circle puwede. So isa yun sa adjustment at nag-work naman. Nagtulungan talaga lahat. Medyo nakakpanibago lang the first few days. Pero madaling naka-adjust,” pahayag ni Kathryn sa virtual media conference nitong Oktubre 14.
Sa bagong digital series, ang newly engaged na sina Q (Kathryn) at Korics (Daniel) ay napilitang magsamang sa iisang bahay habang nasa quarantine.
Ang The House Arrest of Us ay magkakaroon ng limited episodes.
“Kami actually ni DJ we like this set-up kasi nag-sti-stick tayo sa story kung ano talaga yung linatag nung writers yuna ng ifa-follow namin. Kami personally we like watching series na weekly din. Ithink this is a good way para ma-try natin na hindi siya yung nakasanayan natin but it’s something na puwede natin gawin in the coming years. So excited kami kung paano siya matatanggap ng mga tao and 13 episodes lang siya so strictly yun lang talaga. Let’s see kung magkakaroon pa ng season two or kung ano man. Pero kami, mas prefer namin yung ganito than yung daily,” sinabi ni Kathryn.
Sa nasabing panayam, muli ring nagpahayag ang aktres ng kanyang loyalty sa ABS-CBN, sinabing hindi kailanman ito magpapalit ng network.
“Aside from ABS-CBN being our mother network, sobrang malaking bagay sa akin ang loyalty. And eto yung way ko para pasalamatan yung network na kung anong meron ako ngayon, lahat ng blessings na na-ri-receive namin ni DJ dahil sa kumpanya. So ito yung panahon na pinaka-kailangan kami, so hangga’t kaya nag-stay kami at nakikipaglaban hanggang makabangon ang ABS-CBN.
“And ngayon na meron kaming chance para mapasaya ulit ang mga tao, mabigyan ng trabaho itong mga crew, bakit ka mag-lu-lose ng ganung opportunity di ba? So andito kami, patuloy na naniniwala na babangon ang ABS-CBN and we’re praying for that,” pag-amin niya.
Makakasama ng KathNiel sa The House Arrest of Us sina Alora Sasam, Herbert Bautista, Dennis Padilla, Arlene Muhlach, at Gardo Versoza. Mapapanood na ito simula Oktubre 24 sa KTX.ph at sa iWantTFC.
-ADOR V. SALUTA