Dahil sa COVID-19, maraming Pilipino ang tumitingin sa social media para sa impormasyong makatutulong sa pagdiskarte nila sa buhay, mula sa mga bukas na tindahan, lagay ng trapiko, at iba pang kaalaman na kailangan sa araw-araw.

Ilang celebrities ang gumagamit na ngayon ng Pinoy-made public service app na Sharea upang makipagpalitan ng impormasyon sa mga kasama nila sa komunidad.

Kasama rito sina ABS-CBN News personality Gretchen Ho, ang komedyanteng si Alex Calleja, at ang Magandang Buhay momshies na sina Melai Cantiveros-Francisco, Karla Estrada, at Jolina Magdangal-Escueta.

“Nagibibigay ito [Sharea] ng tamang impormasyon mula sa iba’t ibang barangay na kailangan natin ngayong pandemya. Mapa-impormasyon sa kalusugan, kaligtasan, transportasyon, trabaho, at iba pa, nandito sa Sharea,” ani Gretchen sa kanyang tweet.

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

Biro naman ni Alex na gusto niya ang Sharea dahil hindi raw ito ‘toxic’ at ‘walang kahirap-hirap’ gamitin.

Sa isang video, inanyayahan naman ni Jolina ang lahat na makilahok at makipagtulungan sa kapwa gamit ang Sharea app.

“Layunin nito na itaguyod ang pagtutulungan ng bawat isa. Pwede ka rin ng bawat isa. Pwede ka rin maka-konek sa mga users malapit sa ‘yo para naman buhay na buhay ang bayanihan kahit pa may pandemya,” aniya.

-MERCY LEJARDE