Sa pagdiriwang ng Mental Health Awareness, ang Cultural Center of the Philippines (CCP) ay nakatakdang mag-stream ng mga pelikula tungkol sa mga isyu sa kalusugan ng kaisipan, nang libre.
“Film has the power to spark dialogue on topics that are otherwise difficult to discuss,” paliwanag ng CCP Media Arts Division sa isang Facebook post nitong Huwebes.
Ang mga pelikula tungkol sa autism spectrum disorder, depression, at dementia ay mai-stream sa pamamagitan ng CCP online mula Oktubre 23 hanggang 30 bilang bahagi ng “Balik Tanaw,” na inorganisa ng The CCP Arthouse Cinema at ng Quisumbing-Escandor Film Festival for Health.
-RICHA NORIEGA