Bibida ang Kapamilya teen actor na si Zaijian Jaranilla sa pelikulang Boyette (Not A Girl Yet), kung saan gaganap siyang beki. Malayo ang istorya nito sa mga nauusong BL (Boy Love) series na nagkakaroon ng intimacy ang mga bidang lalaki.

zaijan

Ayon sa writer-director na si Jumbo Albano, comed ito at mamahalin at pangingitiin ni Boyette ang mga manonood.

Mapapanood ang Boyette (Not A Girl Yet) soon sa iWant TFC at iba pang digital streaming platforms. Makakasama rito ni Zaijina ang dating magkarelasyon na sina Inigo Pascual at Maris Racal.

Relasyon at Hiwalayan

Rayver Cruz, todo-bigay kapag nagmahal

Ayon kay Zaijian, hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ang role dahil sa magandang ang script. At para rin daw matakasan ng dating child actor ang image ni ‘Santino’ na isang batang maka-Diyos.

“Sobrang interesting po kasi [ng story] at “gusto ko rin makita nila na kaya ko rin gumawa ng ibang role,” bungad ni Zaijian.

Bilang isang aktor, nais niyang gumanap ng off-beat role na malayo sa kanyang pagkatao.

“Gusto ko rin po siyempre na i-challenge ang sarili ko and I’m so happy po na nabigyan po ako ng ganitong opportunity. Sa tulong po ni direk Jumbo, nakagawa po kami ng isang napakaganda at solid na pelikula,” masaya niyang pahayag.

Bukod sa mga lock-in protocols na ipinapatupad sa mga tapings dahil sa COVID-19, challenge din kay Zaijian ang extra effort sa work at sa pagbibigay buhay niya sa karakter ni Boyette.

“Sa totoo lang po, hindi po kami nagkaroon ng workshop kasi nagkaroon na rin po ng pandemic, ang hirap na din po mag workshop. Pero nung nasa set na po kami, sa tulong po ni Direk Jumbo, tapos ‘yung set namin puro po bading so tinutulungan nila ako na ganito ang gawin ko, lambutan ko pa. Sobra po ang tulungan namin, kaya ito po ‘yung kinalabasan,” kuwento niya.

At makalipas ang mahigit isang dekada matapos bigyang buhay niya ang karakter ni Santino sa May Bukas Pa na napanood noong 2009, isa lang rin ang gusto patunayan ni Zaijian ngayon sa pagtanggap niya ng iba pang mga karakter.

“Parang feeling ko, sa sakin naman po, hindi naman po ako nahirapan. Parang ang sa akin gusto ko lang po na mabago ang tingin ng ibang tao na hindi lang ako habambuhay na si Santino, pwede rin po ako sa ‘Boyette’ ganyan parang ‘yun din po ang gusto ko ma-achieve,” paliwanag pa niya.

Isa si Zaijian sa young showbiz personalities na dumaan sa awkward stage. Pero, iba ang naging proseso nito para sa aktor.

“Dumaan po siya, pero sobrang saglit lang po. Kasi ‘yung time po ng kabataan ko parang hindi ko po siya masayado na-enjoy na hindi ako basta-basta nakakalabas ng ganyan. So parang nung naisipan ko po na mag lie-low muna ako. Pero ang ABS-CBN po kasi, hindi rin po nila ako pinabayaan kahit paano, binibigyan nila ako ng MMK, Ipaglaban Mo, so parang hindi naman din po ako nawala totally.”

-ADOR V. SALUTA