ALIAGA, Nueva Ecija – Sinuspindi ng Sangguniang Panlalawigan ang alkalde ng nasabing bayan dahil umano sa pagpapatupad ng ordinansang may kinalaman sa pagpapalabas ng pondo para sa senior citizens, kamakailan.

Si Mayor David Angelo Vargas ay pinatawan ng provincial council ng anim na buwang suspensyon, ayon na rin sa kautusan nito na may petsang Oktubre 12, 2020.

Ayon sa Sangguniang Panlalawigan (SP), guilty si Vargas sa kasong administratibong conduct prejudicial to the best interest of service, simple misconduct at paglabag sa Republic Act 7160 dahil sa pagpapatupad ng Ordinance No. 08, series of 2019.

Ang nabanggit na ordinansa ay may kinalaman sa municipal budget nito na P210 milyon para sa taong ito habang ang isa pa ay may kaugnayan sa P1.2 milyong pensyon ng mga senior citizen.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Idinahilan ng nasabing konseho, idineklara na ng SP na “null and void” ang ordinansa noong 2019 kaya hindi na dapat itong ipatupad.

-Light A. Nolasco