Mapapakingganna ang unang Christmas single ni Jeremy G na Ngayong Pasko, isang puno ng panghihinayang na kanta na orihinal na inawit ng kapwa niya Kapamilya singer na si Erik Santos.
“Isang maagang pamasko para sa inyong lahat,” masayang paglalahad ng dating The Voice Teens Philippinesseason 1 grand finalist.
Aprubado ni Erik ang bersyon ni Jeremy at sa post nito sa Instagram, ay nag-comment na “better” ang bagong bersyon ng Ngayong Pasko kaysa sa orihinal.
Unang ini-release ang Ngayong Pasko noong 2007 bilang bahagi ng All I Want This Christmas album ni Erik. Isinulat ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang lyrics at musika nito. Ang revival ni Jeremy ay iprinodyus ni Star POP head Rox Santos at in-arrange ni Tommy Katigbak, at si Dan Tañedo ang nag-mix and master nito.
‘Di kagaya ng masasayang awitin tuwing Pasko, ang kanta ay nagpaparamdam ng lungkot sa selebrasyon dahil sa mga masasakit na alaalang nakadikit dito.
Bago ang Ngayong Pasko, nag-release ang Star POP artist ng single na Dito Na Lang ngayong taon at nakipag-collaborate sa kapwa young singer na si Jayda para sa kantang Perfectly Imperfect noong 2019.
Kamakailan lang, nanalo rin si Jeremy at composer na si Kiko “KIKX” Salazar ng Awit Award para sa Best R&B recording para sa unang original single niya na Sa’Yo.
Para sa iba pang detalye, sundan ang Star POP PHsa Facebook (www.facebook.com/starpopph) at Instagram (@starpopph).
-MERCY LEJARDE