Ang mga desisyon ng Facebook at Twitter na limitahan ang mga link sa isang artikulo sa New York Post na pumupuna kay Democratic presidential candidate Joe Biden nitong Miyerkules ay nagpukaw ng galit sa mga konserbatibo at akusasyon ng partisan censorship sa kasagsagan ng labanan sa halalang pampanguluhan.
Iniulat ng New York Post na nakuha nito ng isang computer na inabandona ng anak ni Biden na si Hunter na iniugnay ang dating bise presidente sa negosyo ni Hunter Biden sa Ukraine. Paulit-ulit na itinanggi ni Biden Sr. ang anumang pagkakasangkot dito.
“Smoking-gun email reveals how Hunter Biden introduced Ukrainian businessman to VP dad,” mababasa sa headline ng pahayagan.
Habang itinanggi ng kampanya ni Biden na nakilala niya ang negosyante, naglagay ang Facebook at Twitter ng mga paghihigpit sa pag-link sa artikulo, sinabing kuwestiyonable ang validity nito.
“This is part of our standard process to reduce the spread of misinformation,” sinabi ni Facebook spokesperson Andy Stone.
Sinabi naman ng Twitter na nililimitahan nito ang pagkalat ng artikulo dahil sa mga katanungan tungkol sa “the origins of the materials” na kasama sa artikulo.
Sinabi ng New York Post na ang computer ay naiwan ni Hunter Biden sa isang Delaware computer repair shop noong Abril 2019.
Sinabi ito ng may-ari ng hindi pinangalanan na tindahan sa pahayagan matapos na tila nakalimutan ito, kinopya niya ang hard drive at ibinigay ang makina sa federal authorities para sa isang pagsisiyasat.
Ipinasa ng may-ari ng tindahan ang kopya ng hard drive kopya kay Rudy Giuliani, personal na abogado ni Pangulong Donald Trump, na ibinigay naman ito sa pahayagan ilang linggo bago ang halalan sa Nobyembre 3.
Hindi itinanggi ng kampanya ni Biden ang pagkakaroon ng computer o bisa ng mga email dito.
Ngunit ang pagharang ng dalawang higante ng social media sa artikulo ay humugot ng matinding pamimintas na pinoprotektahan nila si Biden kahit na nangunguna siya kay Trump sa karera para sa White House.
Binira ng New York Post ang dalawa sa pagsisikap na tulungan ang election campaign ni Biden, sinabi na walang sinumang kumonta sa katotohanan ng istorya. “Facebook and Twitter are not media platforms. They’re propaganda machines,” isinulat nito sa isang editorial.
Sinabi ni Republican Senator Josh Hawley, sa isang liham kay Facebook chief executive Mark Zuckerberg, na ang “seemingly selective” blocking “suggests partiality on the part of Facebook.”
“Twitter’s censorship of this story is quite hypocritical, given its willingness to allow users to share less-well-sourced reporting critical of other candidates,” sinabi naman ni Republican Senator Ted Cruz sa isang liham kay Twitter CEOJack Dorsey.
AFP