NAILISTA ng tambalan nina Andre Varquez at Luis Moreno ang pinakamabilis na tyempo para tannghaling kampeon sa Race 1 ng Phoenix Pulse Formula V1 Virtual Cup Sabado ng gabi at ipinalabas ng live sa Tuason Racing Facebook Page.

Hindi naitago ng dalawa ang kasiglahan at kasiyahan sa kabila ng pagiging virtual race ng torneo na nilahukan ng 55 na sasakyan gamit ang PC-based Assetto Corsa software.

N a i t a l a n i Varquez ang pinakamabilis na oras sa AM Class, nang maitawid ang sasakyan sa Monza racetrack sa tyempong 02:01.782, habang si Moreno ang kumana sa PRO Class sa oras na 02:01.785.

Sa AM Class, pumangalawa si Francis Metrillo, habang naungusan ni JetherMiole si Real Lerpido sa dikitang duwelo para sa ikatlong puwesto.

Human-Interest

UST, ibinida grades ni Dr. Jose Rizal bilang mag-aaral ng Medisina

Nakatakda ang Race 2 ng Phoenix Pulse Formula V1 Virtual Cup sa October 17, 2020, na mapapanood muli sa Tuason Racing’s Facebook fan page at TuasonRacingTV YouTube Channel.

I t i nataguyod ang kauna-unanahang homegrown virtual race series sa bansa ng Phoenix Petroleum Philippines, Inc., LG Philippines, BlueChem, Bendix, PC Express, Family Mart, and Don Papa. It is also supported by Autocar, Auto Deal, C! Magazine, Inquirer Mobility, Time Attack Manila, at Wheels Philippines