Mga Laro Ngayon

(AUF Gym-Angeles City,Pampanga)

4:00 n.h -- Meralco vs. Alaska

6:45 n.g. -- Magnolia vs. NLEX

New year, new career-high! Alex Eala, umarangkada bilang rank 49 sa WTA

APAT na koponang pawang nangabigo sa una nilang laban ang mag-uunahang makapagtala ng tagumpay sa pagsalang nila sa tampok na double header sa araw na ito sa pagpapatuloy ng 2020 PBA Philippine Cup restart sa Angelea University Foundation gym sa Pampanga.

Unang magtutuos at maghahangad na makahanay sa win column ang Meralco at Alaska ganap na 4:00 ng hapon kasunod ang Magnolia Pambansang Manok at NLEX ganap na 6:45 ng gabi.

Parehas na nabigo sa kani-kanilang unang laro ang Bolts at Aces, ang una sa kamay ng Phoenix noong Lunes ng gabi, 98-116 at ang huli sa kamay ng Barangay Ginebra noong nakaraang Linggo sa opening ng bubble, 92-102.

Wala pa ring pasabi habang sinusulat ang balitang ito kung palalaruin na ni Meralco coach Norman Black ang kanilang big man na si Raymund Almazan na napagdesisyunan nyang hindi palaruin sa una nilang laban kontra Phoenix.

Marivic Awitan