IBANG Paolo Contis na ang napapa­nood ngayon, una sa katatapos niyang drama anthology na I Can See You: The Promise, sa online show niya sa GMA Net­work Facebook at ang regular gag show nilang Bubble Gang. Aminado si Paolo na sa loob na six months, nakapagbawas siya ng 30 pounds sa kanyang timbang. At ang naging inspirasyon daw niya na mag-exercise at magpapayat ay ang one year old daughter nila ng partner na si LJ Reyes, si Summer.

paolo

“It’s not really the weight I lose but the life I gain,” kuwento ni Paolo. “It’s true para sa akin, napunta ako sa point na pagtakbo ni Summer ng ikatlong hakbang, ayoko nang sumama. Hindi pwedeng ganun. Kailangang nakaka­habol na ako. Ang resulta, I eat better, I sleep better, I stopped drinking.”

Nakakatuwa ring panoorin si Paolo sa kanyang IGs story na tinuturuan na niyang umarte si Summer, na kinaaali­wang panoorin ng mga netizens.

Charo Santos, Dingdong Dantes papasok sa Bahay Ni Kuya

“Alam kong may posibilidad na papasukin din ni Summer ang showbiz, kaya naman tinuturuan ko na siya ng iba’t ibang acting techniques at natutuwa ako sa mga comments ng mga netizens sa ginagawa naming mag-ama. Para akong may matandang kausap, grabe nakakatuwa, kasi diretso na ‘yung con­versation pero siyempre baby pa ring magsalita. Tapos may mga acting pa siya ng ‘ouch! ouch!’

“Susuportahan ko si Summer kung ano ang gusto niyang gawin in the future. Katwiran ko, kung saan siya masaya, pero habang bata, ituturo mo lang na­man sa kanya are ang values, para kapag sinabak mo na siya sa giyera, alam na niya ang lahat,” patapos ni Paolo.

-NORA V. CALDERON