MAY mga nasorpresa nang mga kai­bigan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na nakatanggap na ng special edition ng Christmas wreaths, ang latest sa flower business niyang Flora Vida by Marian. Kung nakita ninyo ang ipinosts niya sa kanyang Instagram stories ng mga ginawa na niyang Christmas wreaths, tiyak na hindi ka makakatiis mag-order kay Marian. Comment nga ng ilang ne­tizens, pwede mo na raw hindi alisin sa pagka-display ang Christmas wreath sa buong taon dahil sa ganda nito.

marian

Nakipag-collab kasi si Marian kay Teddy Manuel, isang floral at event designer para nga sa special edition ng Christmas wreaths. Ipinasilip na ito ni Marian sa kanyang Facebook page, ang project nila ni Teddy Manuel na may caption na “Pasko Na! Flora Vida X Teddy Manuel.” Sumunod namang nag-post si Teddy sa kanyang Instagram story ng kanilang collaboration at nag­pasalamat din siya kay Marian para sa oportunidad na maka-collab siya. Hilig talaga ni Marian ang flower arrange­ments dahil pinag-aralan pa niya ito sa Japan nang magbakasyon sila roon ng asawang si Dingdong Dantes in 2017.

Nora V. Calderon

Charo Santos, Dingdong Dantes papasok sa Bahay Ni Kuya