MAYROONG libu-libong isla ang Pilipinas mula Batanes group sa hilaga hanggang sa Tawi-Tawi group sa timog. Karamihan sa mga tao ay pamilyar sa mas malalaking isla—ang Luzon, Mindoro, Panay, Negros, Samar, at Mindanao. Ngunit nariyan pa ang libu-libong isla—7,641 sa huling opisyal na bilang, posibleng mas marami pa kung low tide.
Sa mga lumipas na taon, nadiskubre ng mga bisita mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang ating mga isla, tulad ng Boracay na ngayo’y top tourist destinasyon sa bansa. Noong nakaraang taon, kinilala ito ng Conde Nast Traveler (CNT) Readers Choice Awards, bilang top choice sa Asya. Ngayong taon, ang Cebu at Visayas Islands, bilang isang entry, ang ibinotong No.1 ng mga readers ng international travel magazine, na lumahok sa survey ngayong taon.
Pasok din sa top 10 sa Asya ang Palawan, ikaapat; Siargao, ikalima; at Boracay, ikaanim. Habang ang iba pang isla na pasok sa Top Five sa Asya ang Penang sa Malaysia at Bali sa Indonesia.
Inilarawan ng Conde Nast Travelers magazine ang Cebu na: “Located in the center of the Philippines, Cebu draws millions of travelers annually for its pristine beaches and diving off the island’s northern coast. Spanish and Roman Catholic influences permeate Cebu; Basilica Minore de Santo Nino houses a small statue of Christ that was presented by Ferdinand Magellan.”
Bukod sa natural nitong atraksyon, ang natatanging lugar ng Cebu sa kasaysayan ng mundo, mula sa impluwensiya ng Espanya at Katolisismo, ang nagpanalo sa world travellers’ voters choice bilang top island sa Asya.
Bilang pagpupugay sa international award, sinabi ni Secretary of Tourism Bernadette Romulo Puyat na: “The Philippines is indeed blessed with the best of nature, as exhibited by the consecutive accolades we are receiving from reputable and prestigious publications for our islands and beaches.”
At napakarami pang ibang isla sa ating arkipelago na naghihintay na madiskubre ng mga nature-loving travelers, aniya. Marami pang isla na may mga ilog at talon, dive sites, malinis at malinaw na tubig na maaaring paglanguyan, kasama ng mga isda at iba pang wildlife.
At matapos ang dalawa’t kalahating siglo sa ilalim ng Espanya, maraming bayan sa bansa na may mga lumang simbahan na naglalarawan sa kasaysayan na natatangi sa bahaging ito ng mundo. Ang kombinasyong ito ng lumang Espanya at relihiyosong impluwesiya kasama ng natural na ganda ng lupain at mga katubigan sa palibot nito ang nagpanalo sa Conde Nast Top Island in Asia award para sa Cebu ngayong taon.