MAGSISIMULA na ngayong Monday (October 12) sa GMA-7, ang one week run ng mini-series na High-Rise Lovers na third installment ng drama anthology na I Can See You. Tampok dito sina Tom Rodriguez, Winwyn Marquez, at Lovi Poe at sa direction ni Monti Parungao.

WINWYN

Intriguing ang tag line ng poster ng “High-Rise” Lovers” na “How high do you need to be to see clearly.” Mag-asawa ang role rito nina Tom at Lovi bilang sina Luis at Samantha respectively. Si Samantha ang nagtatrabaho sa kanila ni Luis na makikilala si Ysabel (Winwyn) at magkakaroon sila ng relasyon.

Si Winwyn, ang sagot kung bakit ginusto pa ring magtrabaho kahit may pandemiya ay dahil trabaho nila ito, maganda ang story, first time niyang makakatrabaho sina Tom at Lovi.

Charo Santos, Dingdong Dantes papasok sa Bahay Ni Kuya

“May kaba sa simula ng lock-in taping, pero kailangan na nating bumalik sa trabaho. Tama namang may offer at sabi ko nga, this is my work, this is our life. In-assure naman kami ng production na safe sa set at napatunayan ko namang tama. Mahigpit ang production, priority ang safety ng lahat na involved sa series,” sabi ni Winwyn.

Dahil may relasyon ang role nila ni Tom sa ‘High-Rise Lovers” may mga intimate scenes sila na challenging kunan dahil nga sa pinaiiral na social distancing. Sumunod sila sa safety protocol, nakunan ang mga eksena at ang audience na lang ang mag-i-interpret sa mapapanood na eksena.

Samantala, hindi pa nagkikita sina Winwyn at ex-BF niyang si Mark Herras at wala na rin yata siyang contact number ng ex, kaya hindi pa na-congratulate ni Winwyn si Mark na malapit ng maging ama for the second time. Buntis kasi ang GF nitong si Nicole Donesa at baby boy ang ipinagbubuntis.

Ang sabi lang ni Winwyn, masaya siya para kay Mark at masaya siya para sa kanila ni Nicole at sa kanilang magiging anak. Siya naman ay loveless pa rin at hindi priority ang maghanap ng boyfriend.

-NITZ MIRALLES