MAY loveteam na hanggang ingay lamang at walang hatak sa takilya. More or less ay matamlay ang naging resulta ng launching movie nina Iñigo Pascual at Maris Racal na I’m Ellenya L. We felt na mas magtatagumpay si Iñigo kung magpo -pokus sa recording. Ito ang kanyang comfort zone at saka na muna ang pag-arte.
Nasa TV5 na si Kokoy de Santos and in a forthcoming project ay itatambal siya kay Maris Racal. Nakilala ng husto si Kokoy sa matagumpay na BL series na Gameboys. Lumago ang kanyang fan base sa social media. May Kokoy Nation, Kokoy Global at iba pa. Hindi maikakaila ang malakas na screen presence ni Kokoy.
Good move para sa career ang pagkakaroon ni Kokoy ng leading lady. Mahirap ang ma-typecast playing gay roles in BL series. Kung may chemistry man sila ni Maris ang siyang aabangan ng marami
-REMY UMEREZ