ISA pang bogey-free round ang naitala ni Pinay golf champion Bianca Pagdanganan sa ikatlong round ng Women’s PGA Championship nitong Linggo para mapabilang sa Top 10 sa Aronimink Golf Club sa Pennysylvania.

Sa naiskor na five-under 65 sa ikalawang sunod na araw, umakyat sa solo No.5 mula sa koint No.24 ang mayuming si Pagdanganan tungo sa final round ng prestihiyosong torneo.

Tangan ni Pagdanganan ang tree under bago muling umiskor ng magkasunod na birdies sa back nine para sa kabuuang three-under 207, apat na strokes ang layo kay South Korea’s Sei Young Kim, na kumana ng 67.

Nakabuntot sa South Korean star sina Canada’s Brooke Henderson, sa naiskor na best score 65, at 2009 Women’s PGA champion Anna Nordqvist ng Sweden, na may 68. Nasa ika-apat si dating world No. 1 Inbee Park na nagsumite ng four-under 66.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Umiskor din ng maganda sina Mina Harigae ng US (66) para makisosyp sa No.6 kasama sina Mexico’s Gaby Lopez (68), American golfer Jennifer Kupcho (71) at Spain’s Carlota Ciganda (71).

Makakasama ng 22-anyos na si Pagdanganan sina Park at Harigae sa dinal round. Kaunod nila ang grupo nina Kim, Henderson at Nordqvist.