SA Monday na magsisimula ang airing ng High-Rise Lovers, ang third installment sa drama anthology ng I Can See You. Mapapanood ito mula, October 12 hanggang Oct. 16 at tampok sina Lovi Poe at Tom Rodriguez, kasama si Winwyn Marquez sa direction ni Monti Parungao.

Sa Zoom interview kina Lovi, Tom, at Winwyn, nagpasalamat sila sa GMA-7 na kahit may COVID-19 at quarantine, tuloy pa rin ang mga bagong show nila at pagbibigay ng trabaho sa kanilang mga contract stars.

Sa tanong kung bakit niya ginustong magtrabaho ngayong pandemic, heto ang sagot ni Lovi: “Bukod sa magandang project ang “High-Rise Lovers,” gusto ko ring ma-experience kung paano magtrabaho under the “new normal.” Nakakatuwa dahil sa production na may hawak ng project na ito, priority nila ang safety ng lahat na involved sa work. Nawala ang takot ko na magtrabaho during this time. I think, na-excite ako to be working again.”

Nanibago lang si Lovi na dahil sa pinasusunod na safety protocols sa kanilang place of work, bawal silang makipag-tsikahan ng matagal, hanggang kumustahan na lang sila at kailangang sumunod sa social distancing. Mahirap lalo na at mag-asawa ang role nila ni Tom at sina Tom at Winwyn naman ay magkarelasyon.

Charo Santos, Dingdong Dantes papasok sa Bahay Ni Kuya

Ang maganda, nagawan pa rin ng paraan na makunan ang mga eksenang magkatabi at magkadikit ang mga karakter na walang nakompromisong safety protocols at health ng cast.

Samantala, sasabak na rin si Lovi sa taping ng rom-com series na Owe My Love na opposite ni Benjamin Alves. Sa February 2021 na ang target airing ng series kasama ang mahuhusay na komedyante at mga artista ng Kapuso Network.

-Nitz Miralles