LAKE BUENA VISTA, Florida (AP) — Naghahabol at sadsad sa dusa. Ngunit, hindi pa handang bumigay ng Miami Heat.
Dehado saan man isukat ang laban, subalit hindi padadaig at Heat at hindi sila basta susuko sa laban. At ito ang pader na kailangan gibain ng Los Angeles Lakers upang makaiwas sa kapamahamakan at sa maling kasaysayan. Target ng Heat, sa pangunguna ng kanilang ‘never-say-die’ leader na si Jimmy Butler na maipatas ang best-of-seven NBA Finals sa pakikipagtipan sa Lakers sa Game 6 Linggo ng gabi (Lunes sa Manila).
Naidikit ng Heat ang serye sa 2-3 matapos ang makapigil-hiningang 111-108 panalo sa Game 5 nitong Huwebes.
Hataw si LeBron James sa naiskor na 40 puntos sa Game 5, ngunit hindi siya ang bumitaw ng krusyal shot sa kritikal na sandali sa Lakers, sapat para makalusot ang Heat at magnining si Butler sa isa pang triple-double performance tampok ang 35 puntos. “We ain’t backing down,” pahayag ni Butler. “We ain’t shying away.”
Liyamado pa rin ang Lakers, higit at Malabo nang makalaro ang injured star guard ni Miami na si Goran Dragic.
“Everybody counted us out since the beginning of the playoffs,” sambit ni Heat rookie guard Tyler Herro.”We don’t really care what people have to say.”