Nagulat ang mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) nang madiskubre ang isang sawa sa loob ng package sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at ito ay ipapadala sana sa Amerika kamakailan.

Ang nasabing package na patungo sana sa New York, United States of America (USA) at ipinadala ng isang Janrei Fernandez, taga-Sampaloc, Maynila, ay hinarang sa bodega ng German courier na DHL dahil idineklarang naglalaman ng mga “kurtinang kahoy, parol at rattan basket”.

Gayunman, habang isinasailalim sa physical examination ng mga Customs examiner ay laking gulat nila nang madiskubre sa loob ng rattan basket ang malaking ahas na agad na dinala sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Babala ng BOC, bawal ang pag-aangkat, pag-e-export at pagbebenta ng wildlife animals nang walang kaukulang permiso alinsunod na rin sa Republic Act 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act) in relation to Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Mahaharap sa pagkakakulong ng mula isa hanggang dalawang taon ang mga lalabag nito, bukod pa sa multang mula P2,000 hanggang 200,000.

Hanah Tabios