HIGIT 2.7 milyong migrants na nagnanais na makauwi sa kani-kanilang bansa ang stranded ngayon sa ibang bansa dahil sa restriksyon na ipinatutupad upang malabanan ang coronavirus pandemic, pahayag ng United Nations nitong Biyernes .

Kailangan ng mundo na palakasin ang kooperasyon upang makauwi ang mga tao ng ligtas sa kabila ng banta ng coronavirus, pahayag ng UN International Organization for Migration.

Nagbabala ang IOM sa isang ulat na malaking bilang ng mga migrante ang naiipit ngayon dahil sa pagsasara ng mga border at pagpapatupad ng travel ban.

Inilarawan nito ang mga stranded na migrante bilang mga tao na nasa labas ng kanilang bansa pinaninirahan na nais makauwi sa kanilang tahanan ngunit nahaharang ng mga restriksyon na may kinalaman sa pandemya.

Hinikayat ni IOM chief Antonio Vitorino ang mga bansa na umaksiyon para sa halos 2.75 milyon na naipit ng sitwasyon.

Internasyonal

Qatar, sinimulan nang palikasin mga residenteng naninirahan malapit sa US Embassy

“The scope and subsequent enforcement of tens of thousands of mobility restrictions, including border closures and nationwide lockdowns related to Covid-19, requires states to reach out to their neighbours and to migrants’ countries of origin to address their needs and vulnerabilities,” aniya.

“Migrants can be returned home in a safe and dignified manner despite the constraints imposed by Covid-19.”

Nagmula ang datos na 2.75 milyong tala ng IOM sa mga official sources para sa mga kaso hanggang nitong Hulyo 13 ng mga migranteng stranded sa ibang bansa na nangangailangan ng tulong, kasama ng pagkain, tubig, matutuluyan at repatriation.

Isinama nila sa tala ang mga seasonal worker, temporary residence holder, international students, mga migranteng bumiyahe para sa medical treatment at mga seafarers.

Ang Middle East at North Africa ang may pinakamaraming stranded na migrante, na 1.26 milyong tao, kasunod ang Asia and the Pacific na may 977,000.

Mayroon pang 203,000 na nasa European Economic Area at Switzerland, at 111,000 sa North at Central America at Caribbean.

‘LARGE UNDERESTIMATION’

Base sa datos mula sa 382 na lokasyon sa higit 101 bansa, “it is considered a large underestimation of the number of migrants stranded or otherwise impacted by Covid-19,” ayon sa IOM.

Ayon sa IOM nakatanggap sila ng hiling na matulungan ang halos 115,000 stranded migrants upang makauwi ng ligtas at boluntaryo, at nakatulong ang ahensiya sa higit 15,000 mula sa “most vulnerable” sa nakalipas na buwan.

“Once stranded, some migrants are at a higher risk of abuse, exploitation and neglect,” paalala nito .

“The loss of livelihoods can increase vulnerabilities and expose them to exploitation by criminal syndicates, human traffickers and others who take advantage of these situations.”

Ayon sa organisasyon, kalimitang hindi sakop ang mga migrante sa national coronavirus response at recovery plan dahil sa kanilang iregular na istatus.

“The Covid-19 mobility policies and measures — spanning from various travel restrictions, health requirements and measures to full border closures and nation-wide and/or localised lockdowns — have, in some cases, created new challenges for migrants whilst in parallel exacerbated their existing vulnerabilities,” ayon pa sa ulat.

Lumutang din dito ang isyu ng nasa 400,000 seafarers na kasalukuyang stranded sa laot, na ang ilan ay halos 17 buwan nang sakay ng kanilang barko—halos anim na buwang mas matagal sa pinapayagan.

Agence France-Presse