TUMATAG ang kampanya ni Filipino online kata champion James de los Santos sa asam na No.1 sa world ranking matapos magwagi sa Okinawa E-Tournament World Series nitong Biyernes.

Iginupo ni De los Santos si Domont Moreno ng Switzerland, 25.26-24.6, upang makamit ang kanyang ika-13 online gold medal ngayong taon.

Una niyang tinalo si Alfredo Bustamante ng Estados Unidos sa first round, 24.3-24; kasunod si Silvio Cerone-Biagoni ng South Africa sa quarterfinals, 24.92-23.98; at Nejc Sternisa ng Slovenia, 25.8-24.72, sa semifinals.

“I’m currently in the 1st Euro Grand Prix. If I win this one, it will seal the deal,” ani De Los Santos sa tsansa nyang maagaw kay Eduardo Garcia ng Portugal ang pagiging World no.1.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Mas naging espesyal ang panalo para kay De Los Santos makaraang magwagi ang dalawa nyang eatudyante na sina Julia Marcos at Fatima Hamsain sa kani-kanilang kategorya.

Nakopo ni Marcos ang panalo sa female senior’s division habang nangibabaw naman si Hamsain sa female under-15 class.

Marivic Awitan