Sinabini Donald Trump na inaasahan niyang ipagpatuloy ang pangangampanya sa Sabado matapos makatanggap ng pahintulot mula sa kanyang doktor, kahit na naghahanda si House Speaker Nancy Pelosi na ibunyag ang mga plano upang siyasatin ang kakayahan ng pangulo na mamuno pagkatapos mahawa sa Covid-19.
Sa nalalabing 26 araw hanggang sa halalan sa Nobyembre 3, kumilos ang top Democrat ng Washington at ng iminungkahi sa isang komisyon na siyasatin ang fitness ni Trump para sa trabaho - at kung kailangan siyang tanggalin sa ilalim ng 25th Amendment ng Konstitusyon - na ilalabas niya sa isang panukalang batas nitong Biyernes .
Ang hakbang ay kasunod ng buong araw na pagbanat ni Trump sa mga kritiko at ginulo ng schedule ng debate kay Joe Biden. Sa pag-init ng tensyon sa diagnosis ng pangulo at mga katanungan tungkol sa kanyang paghuhusga, sinabi ni Trump sa isang pakikipanayam sa Fox News noong Huwebes na nais niyang magsagawa ng isang rally ng kampanya sa Sabado.
“I think I’m going to try doing a rally on Saturday night if we have enough time to put it together,” sinabi niya sa panayam ni Sean Hannity, idinagdag na “probably in Florida.”
Mas maaga sa araw si Trump ay binigyan ng pahintulot ng doktor upang ipagpatuloy ang mga pampublikong aktibidad ngayong weekend.
“Saturday will be day 10 since Thursday’s diagnosis, and based on the trajectory of advanced diagnostics the team has been conducting, I fully anticipate the president’s safe return to public engagement at that time,” saad sa pahayag ni Conley.
Pinigilang mangampanya, nitong Huwebes ay nag-uusok si Trump sa Fox Business television, insulto ang runnig mate ni Biden na si Kamala Harris bilang isang “monster,” tinawag na “rapists” ang illegal immigrants, at hinihimok na kasuhan si Biden at dating president Barack Obama.
At sa mga pangungusap na umagawa ng atensyon ni Pelosi, sinabi ng 74-taong-gulang na si Trump na natalo niya ang Covid dahil “I am a perfect physical specimen and I’m extremely young.”
Nagbabala si Pelosi na si Trump ay nagdurusa sa “disassociation from reality (that) would be funny if it weren’t so deadly.”
Nagbabala si Senior House Democrat James Clyburn sa CNN na si Trump ay nagpapakita ng “very erratic behavior” na ikinabahala ng publiko. Habang kinuwestiyon nila ang pahayag ng pangulo na mabilis itong gumaling mula sa Covid-19 at inihayag ni Pelosi ang kanyang paparating na pagsisiyasat, bumuwelta si Trump sa Twitter.
“Crazy Nancy is the one who should be under observation,” isinulat niya. “They don’t call her Crazy for nothing!”
AFP