Nag-quarantine ang nangungunang heneral ng Pentagon, matapos na mailantad sa COVID-19, ngunit tiniyak nitong Huwebes na ang militar ay mananatiling handa na ipagtanggol ang United States at mga kaalyado.

Miley (AFP)

Si Joint Chiefs Chair General Mark Milley kasama ang maraming iba pang nangungunang mga pinuno ng Pentagon ay nagsimulang mag-self quarantine sa linggong ito pagkatapos makipag-ugnay sa isang opisyal ng Coast Guard na nahawahan ng coronavirus.

Sa kabila nito, at sa pagtaas ng impeksyon sa White House kasama si President Donald Trump, “America is capable and ready to defend the homeland and support our allies and partners,” sinabi ni Milley sa isang pahayag sa Twitter.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“The Joint Chiefs and I remain in constant communication while in quarantine and the chain of command remains the same,” aniya.

“There has been no impact on our ability to effectively plan, coordinate and synchronize efforts to defend our nation.”

Ang COVID-19 scare sa pinakamataas na antas ng US military ay dumating matapos na nakiisa si Coast Guard Admiral Charles Ray sa isang seremonya sa White House para sa mga pamilya ng mga miyembro ng serbisyo na namatay sa giyera.

Ang pangyayaring iyon ay pinaniniwalaang isang posibleng pinagmulan ng coronavirus outbreak sa White House.

Ayon sa Pentagon, si Milley ay nag-negatibo para sa sakit, gayundin ang iba na napilitang mag-quarantine matapos makipag-ugnay kay Ray: ang Joint Chiefs vice chair, ang mga pinuno ng army, navy, air force, space force, national guard, special forces at ang malaking National Security Agency.

Si Milley ay patuloy na nagtatrabaho sa pamamagitan ng ligtas na mga komunikasyon mula sa kanyang opisyal na tirahan sa Fort Myers, isang base militar na katabi ng Pentagon.

AFP