Hindi pa rin makalimutan ni Sandara Park ang Pilipinas at ang mga pagkaing Pinoy dahil kamakailan lamang ay nakita siyang namimili sa isang Filipino market sa South Korea.
At kahit naka-mask at sumbrero ay nakilala pa rin siya ng mga Pinoy na excited na lumapit at nagpakuha ng litrato sa kanya. Halos hindi na nga siya makakain mapagbigyan lang ang Pinoy fans na gustong makipag-selfie sa kanya. Very humble at accommodating talaga si Dara!
Mapapanood ang pagpunta ni Dara sa Filipino market sa kanyang YouTube channel na DARA TV. Nag-post din siya ng photos nito sa kanyang Instagram account.
-NITZ MIRALLES