HINDI napigilan ng novel coronavirus (Covid-19) pandemic ang patuloy na pagpapalakas at pagpapakondisyon ng ilang miyembro ng National Squash team na kumubra ng gintong medalya sa mixed team event sa nakalipas na 2019 Southeast Asian Games nung isang taon sa pagpapatuloy ng paghahanda para sa mga darating na kumpetisyon sa darating na taon.

Masuwerteng nakakapagsanay na ang 26-anyos na kasalukuyang World No. 86th na si Jemyca Aribado sa isang pribadong Squash facility sa Muntinlupa na pagmamay-ari ng Japanese colleague ni Philipppine Squash Association (PSA) president Robert Bachmann na si Motomu Katsumata, habang nagsisilbing instructor ito kay national juniors promising player Jonathan Reyes.

Nagdagdag naman ng mga bagong kagamitan na pang-ensayo si Philippine best Robert Garcia upang mas lalo pang makatulong para mas lalo pang palakasin at makamit ang inaasam na magandang pangangatawan bago ang pagsisimula ng mga aktuwal na kumpetisyon.

“Regular pa rin ang training namin to make sure na ready kami sa mga darating na competition, once na bumalik na sa normal ang lahat,” pahayag ni Aribado, na naging kauna-unahang Filipino na nakapasok sa top 100 ng world ranking, Huwebes ng umaga, sa lingguhang TOPS: Usapang Sports na mapapanood ng live sa Sports on Air sa Facebook page nito na suportado ng GAB, PSC at PAGCOR.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

“Bumili pa ako ng mga training equipments para makatulong na makapag-gain pa ako ng weight ng mga 6-7-pounds para mas makatulong pa sa akin na makuha yung mga kakulangan ko, tapos nag-enroll din ako sa isang Fitness gym para mas mapalakas pa yung katawan ko,” dagdag ni Garcia, na nakapag-uwi rin ng silver medal sa men’s singles ng talunin ni Malaysian Addeen Idrakie sa Manila SEAG na ginanap sa Manila Polo Club sa Makati