Bagong brainchild ni Michael V. ang Pepito Manaloto: Kuwento, Kuwento! Siya ang concept creator, creative director at lead actor ng show.
Storytelling ang format nito na mayroong mini-stories sa isang episode, at highlight ang wacky and entertaining situations sa bawat itatampok na karakter.
Ilan sa mini-series ngayong Sabado ng gabi ay ang pagbili ni Pepito ng mamahaling gaming speaker system na inilihim niya kay Elsa (Manilyn Reynes). Nalaman ni Chito (Jake Vargas) ang tungkol sa bagong gadgets at gustong i-try, malalaman din kaya ni Elsa ang sekreto ni Pepito?
Humanda nang tumawa sa brand new episode ng Pepito Manaloto: Kuwento, Kuwento! sa mas maagang oras, pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA-7.
Nora V. Calderon