SA gitna ng agam-agam dulot ng COVID-19 pandemic, tuloy-tuloy ang trabaho ng mga kawani ng Meralco upang makapagbigay ng ligtas, sapat, at maaasahang suplay ng kuryente para sa bagong 90-bed COVID-19 temporary quarantine and treatment facility sa Calamba, Laguna.

meralco

Kasama sa proyektong ito ay ang pagkakabit  ng mga bagong metering facilities, walong concrete poles, walong spans ng covered conductors, at dalawang 75-kVA distribution transformers.

Isa ang temporary quarantine at treatment facility na ito sa mga bagong pasilidad na itinayo ng gobyerno upang labanan ang pagkalat ng mapamuksang COVID-19.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ang pagbibigay ng maaasahan at tuloy-tuloy na suplay ng kuryente sa mga quarantine at treatment facilities sa franchise area nito ay isa sa mga priority projects ng Meralco ngayong taon, patunay sa walang humpay na suporta ng Meralco sa gobyerno at sa pribadong sector laban sa pandemya.